___ Minsan ay napadako ako sa isang silid ng mga abstract
paintings, lubusan kong pinagmasdan at buong sinipat ang bawat angulo ng
mga pinta. ngunit sa isang saglit ako ay napangiti sapagkat wala akong
naintindihan ni isa. sa luob ko'y bkit gumagawa sila ng mga bagay na
yaon?
Akoy umuwi at nagsubok gumawa ng sariling abstract painting, nalalaman kong ang sining na ito'y uri na may malalim na ugat sa puso, kayat aking dinamdam ang bawat pinta. at ilang sandali ako'y tapos na!
Nalalaman kong ako'y napatulala ng biglang pumukaw sa aking ulirat ang isa kong kaibigan, pumasok sya sa aming bahay at nagtanong. tulad ko, siya rin ay napangiti sa aking ginawa habang nagwiwika" ano ang ibig sabihin ng iyong ginawa?"
Sariwa pa sa aking ramdam ang ibig sabihin nito, ngunit ng aking simulang bangitin ay parang isang sinulid na nawala sa bungkos ng dayami, hindi ko maisaysay ang salitang naglalarawan niyon o baka talagang wala...sa huli tulad ng unang pag- sulyap ko sa abstract painting sa malaking silid. ako ay dagli muling nangiti, at napagisip==
___ Tama, hindi na dapat pang maintindihan, sapagkat ang tunay na ibig sabihin nito ay mula't mula pa lamang ay namutawi na sa aking labi. at ito ay isang simpleng NGITI!

Comments
Post a Comment