ISIP_ ISIP


minsan sa aking pag-isip
naisip ang dapat maisip
inisip ang di pa naiisip
iniisip kung... may maiisip

ang mundo nga ba ay masikip,
o utak ko lamang'y makitid
Kay daming isip na pilit,
pag-intindi hindi pa batid

Libo libong bituin sa langit,
katumbas ba ay marikit
na alitaptap sa dapit-
hapon ng buhay ng pipit?

ilang mata na ang bumukas
sa pagsarado ba'y wagas
o sa bawat pagwawakas
may isang matang magbubukas?

mga luha'y may pinta
ng lungkot at saya
ngunit luhay may dala
ng buhay 'yong madama.

tama ba ako o mali
sinong makadidikta
ikaw ba na matalino?
ikaw ba na masagana?
teka bakit sa inyo'y aasa
tao rin nmn kayo, di ba?

ang buhay bakit ibinigay
sa tulad nating di ma-bagay
para ba sadyang ibuhay
o ihanda sa pagkamatay?

oh sirko ng pagiisip
tunay ngang walang sukdulan
marami na ang nagbulalas
talino'y sinubukan
ngunit kahit ano pa man
ang pag isip, makapangyarihan
ng mga taong walang ibang patunguhan
pag hindi tuluyang masumpungan
mga tanung sa buhay
na kapakipakinabang!
sapagkat ang mundong ito ay umiikot lang
sa mga taong nagiisip, sila ay lamang!
kaya ikaw, gumising na!
sa pagtulog ay husto na!
pagliyabin ang iyong isip,
paliparin hangang langit
ahy, wala palang limit,
Ilipad sa kalawakan, Ipilit!

o kung ayaw mo namang mag-isip
sige okay lang, ikaw rin
ang mundo'y umiikot ng mabilis.
manuod ka nlng ng DIARY NG PANGET! 




Comments