Maraming salamat po dahil naging mabuti po kayong guro para sa aming lahat ng mga kaklase ko po. Sana po magiging guro ko pa po kayo ulit. Sorry po kung nagpapasaway po kami pero lagi nyo pong tatandaan na mahal na mahal po namin kayo, at hindi po namin sinasadya na magpasaway, nagpapapansin lang po kami dahil mahal po namin kayo at lagi nyo pong tatandaan na hindi po ako magsasawang makinig sa inyo, bigyan nyo lamang kami ng pagkakataon upang makabawi sa mga mabuting ginagawa at tinuturo nyo po sa amin. Maraming salamat po!
Sana po, kahit anong mga pangarap nyo po ay matupad nyo po, magdasal lang po kayo at gagabayan po kayo ng Diyos at bibigyan po kayo ng pagasa at lakas para po sa mga hamon o mga problema na mangyayari po sa ating lahat. Magtulungan po tayo, at magmahalan upang maabot ang ating mga pangarap, magtiwala lang po tayo!
=)
iyong Istudyante....
###########
GRADE 5
------------------------------
Dear Teacher John,
Teacher sorry po kung napaka-kulit namin. Teacher masaya po ako dahil naging teacher ka namin, kung wala po kasi kayo, hindi po namin matutunan ang mga tungkol sa TLE, Computer at Science. Sorry din dahil minsan hindi namin nasusunod ang mga instructions mo. Hindi ko makakalimutan na naging teacher ka namin. Teacher thank you dahil dati kahit na paos po kayo ay tinitiis nyo pa rin para may matutunan lang kami.
#######
=)
______________________________
To Teacher John,
Teacher salamat po sa lahat ng mga ginagawa niyo po para sa amin, ang saya po maging teacher kayo. Ang saya ng mga ginagawa niyo po sa aming Class. Una, nagpapa-Trivia po kayo. Pangalawa, po naglalaro po tayo ng masaya. Pangatlo po ay kayo ay nagpapanood sa amin ng mga movie o mga palabas na masaya at meron ding nakakaiyak.
Thank you po sa lahat, alam niyo po kung anong nagpapasaya sa amin. Teacher, salamat po dahil pinagpapasensyahan niyo kami, kahit kami ay makulit. Salamat po sa lahat. Wag po kayong sumuko sa kahit ano mang problema na dumating sa inyo. JUST DO IT< NEVER GIVE UP! =) GOD BLESS PO!
NagmamahaL,
Ang iyong EstudyANTE,
###########
______________________________
Dear Teacher Jhonderson,
Maraming salamat teacher Jhon dahil nagpupursige kang matuto kami kahit na makulit kami. Naalala ko po nung day na sobrang masaya ka po dahil pagpasok niyo po ay lahat kami nakatayo ng maayos at tahimik, yun po nung Kaarawan niyo. Salamat po kahit nag-aantay po kayo para sa mga late kahit maubos po iyong oras natin, pero pag nakaramdam na po kami nagiging maayos ang ating klase at kahit wala na pong oras ay nagpapa-trivia po kayo.
Teacher jhon naa-appreciate ko po iyong pagsisikap niyo at pagpapasaya sa amin. Tandaan niyo teacher, dapat laging nakangiti dahil pag malungkot ka, papanget ka. Magiging Cute ka kapag nakangiti. I LOVE YOU!
Nagmamahal,
######
Comments
Post a Comment