"Tip of the iceberg"
Ako yung tipo ng tao na laging napagkakamalang suplado, ngunit sa totoo, sa pagkakakilala ko, ako yung isa sa mga pinaka-mabait na nakilala ko… (yabang) hehe
madalas ako magbasa ng libro, mga librong may kaugnayan sa spiritwalidad, agham, pilosopiya, motibasyon, seksualidad, at moral.
Ako ay isang GURO , nagtuturo ng asignaturang agham at technolohiya, (meron ding Filipino, TLE at Computer ngaun pati World History!) Ngunit sa ngayon ay kasalukuyang nagtatrabaho sa isang BPO industry bilang isang call center agent .
Ako yung tipo ng taong rumerespeto sa lhat ng uri ng nilalang. Hindi nag-aalangan kausapin ang pulubi, holdaper, mayaman o maimpluwensyang tao, kulto, o khit nuno sa punso.
Yung kinahihiligan ko ngaun ay mamundok, lumanghap ng sariwang hangin at magpicture sa tuktok. Kasi, iba tlga ang nature ehh.. "feels like heaven!" hehe... cguro isa akong kulisap o kuliglig nung past life ko! grin emoticon joke!
Ako yung taong mataas ang respeto sa HARING ARAW, at sa lahat ng pagkakataon ay sinasamba ang kanyang liwanag. ( T’wing linggo ng umaga madalas akong umuupo sa bukiran kasama ang aking kapatid na bunso kaharap ang ulap habang pinagmamasdan ang pagtaas nito. Ito ang isa sa pinaka- masarap na sandali habang unti- unti kong nararamdaman ang bahagyang pag-init ng liwanag sa aking balat.
Ako yung taong may interes sa pagkakaiba ng relihiyon, sumapi nrin sa ilang relihiyon at pinagaralan ang kanilang katuruan at paniniwala. ( minsan may bumisitang tagapag-turo, ngunit sa ilang linggo, parang ako na yung nagtuturo ng aking pilosopiya? Ewan, hehehe )
Marami png iba… tsaka na, pag- sinipag pa…
"I Am An Imperfect Person Trying To Live In As Good As I Can."
.
hi cher, blogger ka din pala :)
ReplyDeleteYes Cher... Bago pa lang... now i got more time in writing ehh... =)
ReplyDeletenumber 1 reader mo nako..hehehe ^_^
ReplyDeletehaha... nabasa ko din ung mga blog mo! DAbest din cher!
ReplyDelete