NASAAN NA YUNG BEST? NAWALA NA LANG?



Minsan masarap
isipin na maraming nagmamahal sayo
Ung tipong kaliwa’t kanan, masasabi mo na hindi ka nagiisa
Kasi ung mga taong gusto at kailangan mo ay nandoon
Ansarap sa pakiramdam kapag binabati ka nila,
Tinatanung kung kumain ka naba? kung kamusta ka?
Masaya ka ba? Teka, parang malungkot ka ahh?
Gusto mo gala tayo? Treat kita!

Kaibigan ang tawag mo sa kanila
Masayang kasama!
Puro biro’t tawanan
Grabeng asaran,
minsan magtatampuhan
Tapos hindi pa magiimikan... maghihintay sa isa’t isa
Hangang sa marealize nila na hindi pla nila kaya, at magbabati na lamang…
Yan ang mga kaibigan, masarap kasama,
Nagbibigay kulay sa buhay natin

Pero minsan di mo maiwasan
Na pgarati’y nagiiba ang inyong turingan
May magbubukod, hahanap ng iba
Meron naming magiging special na,
Tatawaging bff, best, o kaya nama'y tropa…

Marami ng tawagan, kasi nga special.
Tatakbo ang araw, dadami ang times na
Marami kayong mapapag-usapan
Mula sa galit mo kay tatay, pati ang pinaka crush mong schoolmate
Pati mga nakakahiyang moments mo naiise-share mo rin sa kanya
Halos lahat ng celebrasyon andun sya,
Mula birthday ni bunso, binyag ng anak ni ate
At syempre sa birthday mo
Wow! Ang ganda mo nun, sya ung nagiisang tao na pupuna sa damit mo!
Antaray sasabihin nya, ikaw naman proud ka!
Halos lahat ng bagay na sasabihin nya,
Parang napakalight! Negative o positive man, para sayo ok lng
Si best pa! malakas ako dyan!

Kayo na ang hindi mapaghihiwalay,
Gusto nyo magkatabi kahit san
Magtatampo kapag sa field trip di magkaupuan
O sa exam ay magkalayuan
Minsan ipinaglalaban na makasama pareho sa galaan
Kakaiba talaga.. eh kasi nga si best yan!

Syempre di naman lagi ay Masaya
Dumadating sa point na magkakaroon ng problema
May isang hindi na lamang kikibo, iiyak sa sulok
Kadalasan about family ang pagsubok
Syempre si best dapat hindi zero
On the go superhuman ang dating mo
Todo payo, lagi sa tabi ni best mo
Trying hard magpatawa, para naman makalimot sya
Tapos mapapansin mo nagtagumpay ka
Ayun, si best malakas pa sayo tumawa!
Masaya ka, kasi natulungan mo sya!
Kahit problema’y hindi tuluyang nawala
Importante naibsan ang damdamin nya…
Ganun nmn talaga eh, kasi alam mo ganun din sya
Kapag ikaw naman
ang dumanas ng problema!
Bestfriend eh, kasi nga…

Tatagal pa ang inyong samahan,
Hintayan kapag uwian, sabay kumain sa tanghalian
Sa payong ay naghihiraman

Masayang magtatawanan, kahit
maraming tao sa kapaligiran
magyayakapan, may alam na apiran!
At higit sa lahat, magkakampi sa awayan
Yan si best,
karamay kahit saan!

Haay…
masarap tlga kapag alam mo na may nagmamahal sayo
Yung tipong may kaibigan ka na tangap ka
Yung una mong pinasasalamatan sa open forum
Yung una mong inaasahang Makita sa room

Minsan di mo nun makalimutan
Nung nagpunta kayo sa dalampasigan
Isang masarap na kwentuhan 
Nauwi sa pagbabahagi ng nagugustuhan… 
Si best binata na, kakaiba ang kanyang mga mata
Alam mong hindi na kayo bata
Manaka-nakay nagtapat sya
Meron nang nagugustuhang iba…

Ikaw naman Masaya para sa kanya
Pero tila  iba ang iyong nadama 
Nung sinabi nya, “Best sya na tlga!”

Isang araw, ikaw ay nagtataka,
Twing kayo ay magkasama 
Ang topic nyo ay iba na
Lagi na lamang sa babaeng
nagugustuhan nya! 
Hangang isang araw, ikaw ay nagtataka
Si best ni hindi na syo nagpapakita

Isang araw di mo maintindihan
May kirot na nararamdaman
Kapag si best di ka na sinasamahan
Hindi mo to masabi ng madalian
Nakakainis isipin na si best ay nangiwan

Isang araw nakita ka nyang luhaan
Tinanung ka kung anong dahilan
sabi mo naman ay wala lang, 
di mo masabi ang nararamdaman
Kahit hindi ok, ikaw ay nagtanung
kamusta ka, Masaya ka ba ngaun 
“best I am super happy” kanyang tugon
sinagot na ako ng crush ko noon!


Ikaw naman kunwari ay Masaya!
Ngumiti ka, ngunit napatulala…
Ilang araw ay lumipas
Tila pagsasama ay unting nagwakas,
Sapagkat si best iba na ang bulalas

Isang araw
nagulat ka nlng,
Tinawag ka nya, ngunit sa ibang paraan


RIzza, did you see Dianne?

Naitanung mo na lamang sa iyong sarili
Nasaan na ung “best”?...
.
.
.
.
.
  nawala na lang?

Comments