OFW

Dala ang pag-asa ng kami ay lumisan
Puno ng pangarap sa bansang patutunguhan
Naisanla ang lahat-lahat ng pinaghirapan
Makaalis lamang, upang hirap maibsan.

Tangan- tangan sa pag-alis ang isang pangako
Na ang aming pamilya sa hirap ay ihahango
Tigib mang damdamin ay pilit itinatago
Pagkat dito ang buhay nami’y aasenso!

Kaming mga overseas workers na mga Filipino
Tinagurian ng bayan na bayaning bago
Sa hirap na dinaranas, ito nga ay totoo
Tila kmi’y mga sundalong sumasabak sa gulo!

Ang aming punto, ganito man ang dinaranas
Ay may naiaambag din sa mahal naming Pilipinas
Pilipinas na mula sa kasaysayan ay puno ng hirap
At magpasahangang ngayo’y nasa putik ng hirap.

Wikang pinag-mulan ang tangi naming kalasag
Kasabay ng prinsipyo’t aming mga pangarap
Sa banyagang lupa na aming kinatatapakan
Magsalita ng filipino’y tila isang karangalan!

Mahirap nga lamang isipin, na ang karangyaan,
Pinapangarap, ay duon lamang naaabot ng kamay
At mas mahirap tangapin na kami ay nangibang bansa
Bunga’t sumpa ng mga mali sa tinubuang lupa!

at sa huli, aming mapagtatanto, na tila may kulang
mga oras, panahon, pangarap at buhay!
Ito ang buhay naming mga OFW sa ibang bansa,
Kalian nga ba makakalas itong tanikala?

_Nosredjohn

Comments