Paggising mo
sa umaga,
Matamis na
mensahe agad ang iyong nababasa
Mga salitang
masarap madinig…
Mga salita
nang pagbati at pangangamusta…
Magandang
Umaga! Kumain ka na ba?
O kaya, Tayo' na, may pasok ka pa…
Text mo ako
kapag nagising ka na?
Mensaheng
nagpipinta ng kulay sa iyong araw.
Sabayan pa
ng ingat, don’t forget to pray before you leave ahh…
Mga simpleng
salita na nagbibigay ligaya.
Mga salitang
alam mo na iniisip ka niya...
Ansarap
bumangon kung ganito ang iyong malalaman
At tila
automatikong didilat ang iyong mga mata
Na may
kasiguraduhan na mayroong concern sa iyo
Kahit na
alam mo na magiging tambak ang Gawain mo sa buong araw,
Meron pa rin
naming tao na kayang pawalain ang pagod mo…
Isang tao na
nagpapaligaya sa iyo!
Pag uwi mo
ng bahay, minsan masu-surprise ka na lang,
Na andun sya
sa inyong bakuran at sayo’y naghihintay
Masaya sya,
habang iikaw ay paparating
Minsan may
dala pa na pagsasaluhang pagkain…
Makikita mo
sa kanyang mukha ang saya,
Mga ngiting
nagpapa-alala sayo na masarap mabuhay
ou, mabuhay na kasama mo yung mga taong
maligaya dahil andyan ka.
Yung alam mo na tila may tungkod kang kasama
kung sakali mang ikaw ay mapilay sa bawat hakbang ng kapalaran.
Minsan tinatanung mo ang iyong sarili,
tunay nga bang may hanganan ang lahat?
tunay nga bang sa dulo ng mga ngiti ay may hikbi?
tunay nga bang ang pagkaway ng kamay ay mayroong dalawang mukha..
isang pagbati at isang pamama-alam. kahit anu pa,
tugon mo sa iyong sarili, masaya ako ngayon...
at ang tanging alam ko ay kung anong meron ako ngayon.
at ikaw yun!
at ang tanging alam ko ay kung anong meron ako ngayon.
at ikaw yun!
NosredJOhn_
Comments
Post a Comment