Hi guys magandang gabi sa inyong lahat!
Today is my Off in my work, sa mga nagtatanung kung ano ang work ko recently, ito na po ang sagot ko.
Isa po akong Call center agent sa isang BPO company. I am handling calls for Customer Service and hand in hand nagpi-pitch din po ng Sales. Sa totoo lang mahirap pala talaga ang maging call agent. Akala ko dati, ito na ang pinaka maalwan na trabaho sa lahat na mabibigyan ka ng pagkakataong kumita ng malaki, eh kasi naman biruin nyo, ito ang trabaho na naka-upo ka lang sa isang Foamed chair, no required uniform, nasa Airconditioned room pa! dagdag pa na ang kaharap mo lang ay computer and astig kasi naka- audio headset ka, oh diba para kang isang executive nun! Well, totoo naman na talagang hamak na mas maalwan ang trabaho na ito kesa sa ilang trabaho na todo pagod ka na sa pagkayod eh, maliit pa ang sahod. Pero ang number 1 na kalaban mo dito ay iyong working environment, Di mo maiiiwas ang sarili mo sa Stress! Unang una, this industry require you to be at your very competitive best, andyan yung pine pressure ka for some targets and deadlines. Actually i can handle that pero ung tipo na kapag may tawag na at yung customer ay nagagalit dahil sa product or services na pakana ng kumpanya nyo ay ibang usapan. Biruin nyo ah, pag sabi ko palang ng " How may I Help you" ang sagot ehh... " F*ck ya All Assh*le!" Tinde, ansarap babaan ng Phone, kaso bawal ehh, so kelangan ihanda ko ang sarili ko sa mga pwede ko pang marinig.
Nung isang gabi, meron akong kausap na Amerikano from Pennsylvania, galit na galit kasi daw ang taas nung bill nya... well of course kelangan "Empathy" muna so i confidently say " yes sir I am sorry for that, i will be more than happy to assist you with that concern" ok, sige tanung tanung ng konte, ang mahirap kasi dito ehh kailangan feeling close daw sa customer... kailangan may "rapport"... abah! pagtingin ko sa services nya, nagorder ng big time, i mean, todo ang package ng TV, Internet at Phone services nya Wow, tapos gusto nya mababa lng ang bil nya! Then the customer asked for the tax, ang siste ehh, parang ayaw pa yata magbayad ng Tax. grabe talaga! kaya minsan umiiral ang pagka -teacher ko ehh... Education of customer ang solusyon! parang ang sarap sabihin na, itanung nyo nlng kaya sa Government nyo kung bakit kayo may Tax!? hehehe.... "Cool lang"
Napaka kulay talaga ng buhay bilang isang call agent, misan sa isang buong shift ko nakaka-banas kasi sunod sunod na galit yung mga customer then yung iba, nagtatanung lng ng kung ano ano... ang masaklap pa, magbebenta pa kami... Minsan nga, may tumawag na Customer, Interested daw sya sa mga promotions namin. Syempre, ang saya benta na to ehh! So i put my best words in front, kelangan daw naka ngiti habang nagsasalita at gamit na gamit ko dito yan.. So eto na, makalipas ang halos isang oras na pakikipag bolahan, isa-submit ko na sana, so when i ask the customer if i have the permission to submit the order, biglang sabi na kakausapin pa daw nya yung asawa nya... then nung kino call backan ko na ay hindi na sumasagot! Grabe naman... Sales na naging bato pa!
As i said, medyo pressure talaga sa call center industry, pero sabi nga ni charles Darwin ehh... We are the species who can adapt to any situations, sabi nga nung mga tenured na katrabaho ko, sa una lang ito na mahihirapan ka pero pagtagal mo matutuhan mo rin sumayaw sa kalakaran ng trabaho.
Actually masaya naman ang trabaho kung pagdating sa room for self training for efficiency and growth. Promotions are everywhere, and the salary is quite higher than basic. Kaso, once you become an agent, you now have to instill in your mind that the customer is always right, kaya kailangan dito masa mahaba pa sa gabi ang pasensya mo!
ok, baka naman sabihin nyo negative lahat ang experience, hindi naman, meron din namang mga good calls, meron pa ngang ang tawag sa akin ay sweetie ehh... last time, ansarap ng calls kasi sunod sunod na problem solved ang mga nagagawa kong calls. Fulfilling din pala kapag nakatulong ka... Once they say, "thank you for your service!" parang nakaka taba ng puso... Biruin nyo, people from America, nag Thank you sa akin... Amazing!
Of course, sa lahat ng ginagawa ko i always take note na dapat meron akong matutunan dito. Alam nyo dito ko natutunan ang pumasok ng maaga, from the training up until now, napaka-aga kong pumasok, i even come an hour before my shift. Now i understand the essence of being early at work. Second, natutunan kong maging team player sa lahat, sa trabaho na ito, kailangan meron kang mga kasangga, dahil sila yung mga taong tutulong sayo at matutulungan mo... Alam nyo kasi, parang nawawala yung banas mo sa customer, pag nai-kwento mo na sa team mate mo ehh... tapos tatawanan nyo nalang. Third, dito ko rin natutunan ang maging good listener, syempre, ang gamit namin phone lang so kailangan talaga may good listening skills. Fourth, Kailangan "Ngumiti", ehh kasi yun nlng ang option mo ehh... Ewan, sa bawat calls mo pag sumimangot ka, maapektuhan lalo ung communication mo sa calls, parang ramdam ng customer kung masaya ka ba talagang tulungan sila... Fifth, maging mas malapit sa Diyos, Alam ko hindi tayo pare parehas ng pagtingin sa diyos, pero mula sa trabahong ito na nakakaramdam ako ng hirap, mas lalo ko syang nakikilala lalo na sa mga taong ipinapakilala nya asa kin everyday na gumagawa ng impact sa akin sa trabaho at yung mga thoughts nabubuo sa king isipan na nagiging learnings sa king buhay.

Comments
Post a Comment