LUNCH TIME NA!



Good Morning! ito ang masayang pagbati sa lahat!
pagpasok sa pintuan, pag upo sa upuan... teka anung oras na?
Titingin sa relo, abah gabi na pala!
susundan pa ng isa, Good Morning kamusta ka?
ngingiti, okay naman, anung ulam mo mamaya.?
sasabihin, kanin lng dala ko, sa ulam bili tayo!
Oo ba, no problem, hati tayo!

Lunch na, kuhain ang bag sa locker,
Ilabas ang baunang may kanin,
mamimili ng ulam sa counter,
ito nga po, di ka madining, Louder!
sinigang, tinola, ayun. may sarsa!
teka, ayaw mo ng baboy dba?

pahingi ng bowl para sa sabaw!
sigeh, wag lang punuin baka umapaw!
uy pasabay nga ng kutsara...
teka lang, nakapila pa ako... mamya!

kainan na, tanungan portion, anung ulam mo?
eto adobo, ano naman yang sayo?
chopsuey! wow sarap...
pahingi! salamat! Sino nagluto?
Ikaw? nice! anung sinahog mo?
ngunguya tapos magkukwento!






Comments