Lumaki akong mataas ang pagtingin sa ating sariling watawat. Ito ay isang sagradong simbolo na hinabi upang ipakita ang ating pagkakilanlan. Ito ay nabuo mula sa pawis at dugo ng ating mga ninunong nakipaglaban para sa kasarinlan. Malaki ang kahalagahan ng ating watawat sa ating buong pagkatao. Ang mga kulay, tala at araw nito ay may mahalagang parte sa ating kultura at pagkakaisa.
Isang sariwang ala-ala para sa akin nang minsang nakagalitan ako ng aking guro dahil lamang sumayad sa lupa ang watawat na ipinahawak nya sa akin. Lubha itong tumanim sa aking isipan.
Mula noon, ay kapantay ng aking paggalang sa aking mga magulang ay gayon na din ang paggalang ko sa ating watawat.
Ngunit kamakailan lamang, aking nabalitaan ang ilang insiidente na nakababahala. Ang ating watawat ay tila ginawang ordinaryong kasangkapan na nakabababa sa dignidad nito. nakapanlulumo!
![]() |
| A High School student who uses the Phil. Flag as a mere "Floor mop" |
![]() |
| Madonna Concert at MOA, a day before EDSA Anniversary. ( Uses the Phil. Flag as a mere costume in a daring dance) |
Sa mga susunod na kabataan, sana ay pagisipan nating mabuti na alin mang simbolo na sumasagisag sa dangal ng tao ay dapat nating irespeto at igalang. huwag natin itong kalimutan dahil lamang gusto nating sumikat o malibang ang ibang tao.



Comments
Post a Comment